Mga Katax, na-experience n'yo ba ito nung nagbayad kayo this month ng withholding tax n'yo? Pagkatapos n'yong pumila ng pagkahaba-haba sa bangko nung kayo na ang i-seserve ng teller ganito ang sinabi sa inyo:
"Sorry po sir, hindi po namin tatanggapin ang dala n'yong form kasi kelangan eBIRForm ang ginamit n'yo."

Ano daw?&*%$# Kawawang taxpayer, lumabas sa bangkong kumakamot ng ulo at kelangang pumunta sa BIR office para alamin kung ano nga ba itong eBIRForm.
Ayun, nung September 5, 2014 panibagong pasanin na naman ang binigay kay Juan dela Cruz sa pamamagitan ng paglabas ng Revenue Regulations (RR) 6-2014. Dahil dito, ang mga bangko ngayon ay ayaw nang tumanggap ng pre-printed BIR forms. Sige nga, alamin natin kung talagang para sa ikabubuti ito ng madlang taxpayer.
Eto ang punto por puntong nakasulat sa subject, wala akong i-nedit dyan ha. I'm proud na copied then pasted yan. At bakit naman hindi, e batas kaya yan. Kaya kahit kuwit at tuldok dapat kopyang-kopya!
SUBJECT : Prescribing the Mandatory Use of Electronic Bureau of Internal Revenue
Forms (eBIRForms) in Filing of All Tax Returns by Non-Electronic Filing and
Payment System (Non-eFPS) Filers Particularly Accredited Tax
Agents/Practitioners, Accredited Printers of Principal and Supplementary
Receipts/Invoices, and One-Time Transaction (ONETT) Taxpayers
Eto ang link kung gusto mong i-download ang RR 6-2014:
Nakasulat sa page 2 ng RR 6-2014, No. 4 ng Section 3. POLICIES AND GUIDELINES;
4. Procedures set forth under RMO No. 24-2013 shall be followed and observed.
OK, kelangan pala basahin din at sundin ang nakasaad sa RMO No. 24-2013. Matindi ito, "shall" ang ginamit na terminolohiya, kaya kailangan istriktong ipatupad! Google ulit ... na-download ko na dito: http://www.bir.gov.ph/images/bir_files/old_files/pdf/75037RMO%20No%2024-2013.pdf
Umpisahan ang pagbabasa ... AHA! Nasa page 4 ang kakampi ng mga pinagod at pinahirapang taxpayer:
Hindi ko ma-copy kaya screen shot na lang. Mga bangko at BIR employees, pakibasa nga po itong POLICIES and GUIDELINES ng RMO 24-2013. Sa aking pagkakaintindi, madlang taxpayer ang magpapasiya kung pre-printed BIR form o offline eBIRForm ang gagamitin sa pagbabayad ng buwis. Kami din ang mamimili kung manual o electronic ang gagawin naming pag-susubmit. Naiintindihan n'yo ba? KAMI hindi KAYO ang pipili para sa amin kung anong uri ng form ang gagamitin namin. E bakit n'yo kami pinahihirapang magpabalik-balik para lamang i-comply ang hindi naman naaayon sa batas? Nakakapag-init ng ulo ha! Magbabayad na nga ng buwis pinahihirapan n'yo pa.
At eto pa ang dumagdag sa presyon ko ... dahil gusto ko talagang maunawaan ito, dinownload ko ang eBIRForm package. Kasama sa package ang Job Aid for Taxpayers for the Use of eBIRForms package. Sa page 6 ng Job Aid ito ang aking nabasa, nakita mo ba 'yung STAR sa ibaba?
Asus! Wala palang pagkakaiba sa itsura at nilalaman ang pre-printed forms sa eBIRForm, Akala ko naman may espesyal sa eBIRForm na security features o di kaya'y bar code, kaya tigas-pilit itong pinapagamit sa madlang taxpayer, e wala naman! Anong buti ang idudulot ng hindi pagtanggap ng pre-printed forms na nafill-upan na ng madlang taxpayer? E, hindi naman pala ito bago dun sa dati nang BIR Forms. Paano yung mga common taxpayer na walang internet access? Imbes na diretso na sa bangko para magbayad ng buwis pupunta pa sa BIR office para lang makigamit sa e-Lounge o kaya'y sa malapit na internet cafe. Hindi ba dagdag konsumo ito ng oras at pamasahe.
Sa aking pananaw, ginawa ang eBIRForms para ang gastos sa pag-lilimbag ng mga BIR Forms ay maipasa kay kawawang taxpayer. Serbisyo publiko daw! Nasaan na ang mga binayad naming buwis para ultimong gastos sa paglilimbag ng BIR Forms ay madlang taxpayer na naman ang babalikat?
Sa aking pananaw, ginawa ang eBIRForms para ang gastos sa pag-lilimbag ng mga BIR Forms ay maipasa kay kawawang taxpayer. Serbisyo publiko daw! Nasaan na ang mga binayad naming buwis para ultimong gastos sa paglilimbag ng BIR Forms ay madlang taxpayer na naman ang babalikat?
TANDAAN: Kung sinomang bangko o empleyado ng BIR ang hindi sumunod sa RR 6-2014 at RMO 24-2013 sa pamamagitan ng hindi pagtanggap ng pre-printed BIR Forms ay pwedeng kasuhan ng naaayon sa batas (National Internal Revenue Code) na nakasulat sa ibaba:
(c) Banks duly accredited by the Commissioner with respect
to receipt of payments internal revenue taxes authorized to be made thru bank.
Any officer or employee of an authorized agent bank
assigned to receive internal revenue tax payments and transmit tax returns or
documents to the Bureau of Internal Revenue shall be subject to the same
sanctions and penalties prescribed in Sections 269 and 270 of this Code.
Section 269. NIRC
provides:
Every official, agent, or employee of the Bureau of
Internal Revenue or any other agency of the Government charged with the
enforcement of the provisions of this Code, who is guilty of any of the
offenses herein below specified shall, upon conviction for each act or
omission, be punished by a fine of not less than Fifty thousand pesos
(P50,000.00) but not more than One hundred thousand pesos (P100,000.00) and
suffer imprisonment of not less than ten (10) years but not more than fifteen
(15) years and shall likewise suffer an additional penalty of perpetual
disqualification to hold public office, to vote, and to participate in any
public election:
(c) Willfully neglecting to give receipts, as by law
required, for any sum collected in the performance of duty or willfully
neglecting to perform any other duties enjoined by law;
(e) Neglecting or by design permitting the violation of
the law by any other person;
Kaya ikaw na nagbabasa nito, Oo ikaw! Ano ba ang iyong saloobin sa mga kaganapang ito? Mag-comment na baka sakali ikaw ay aming matulungan. Puwede mong i-share ito para malaman at makatulong sa iba pa nating Katax upang hindi sila mahirapan sa pagbabayad ng buwis.
Hayyy! Malaking tulong talaga pag nag-aaral ng batas. Nalalaman mo kung inaabuso ka ng nagpapatupad nito (wink). Hanggang sa muling Taxserye ...